-- Advertisements --
Sinibak ng Milwaukee Bucks ang kanilang head coach na si Adrian Griffin.
Inanunsiyo ng koponan ang pagsibak kay Griffin matapos ang isang taon nitong pananatili sa koponan.
Ayon kay Bucks General Manager Jon Horst, na naging mahirap ang kanilang desisyon sa pagsibak sa kanilang head coach.
Pinasalamatan na lamang nila ang nasabing coach sa kontribusyon nito sa koponan.
Pansamantalang hahalili sa pagiging coach ang beteranong assistant na si Joe Prunity.
Magugunitang noong nakaraang taon ng kinuha ng Bucks si Griffin kung saan pinalitan nito si Mike Budenholzer.
Ang 49-anyos na si Griffin ay naging NBA assistant sa loob ng 16 season kabilang ang limang season sa Toronto Raptors.