-- Advertisements --

Bumawi ngayon ng panalo ang NBA defending champion na Milwaukee Bucks matapos na idispatsa ang Philadelphia Sixers, 118-116.

Ang banggaan ng dalawang top teams sa Eastern Conference ay makapigil hininga hanggang sa huling sandali.

Liban sa 40 points na ibinuhos ng dating MVP na si Giannis Antetokounmpo, nasupalpal din niya ang tira sa closing seconds ng Sixers big man na si Joel Embiid.

Dahil sa panalo ng Bucks, abot kamay na nito na maagaw sa Miami Heat ang top spot.

Sa kampo ng Sixers nasayang ang ginawa ni James Harden na nagpakawala ng 32 points at nine rebounds habang ang NBA MVP leading candidate na si Embiid ay nagtapos sa 29 points, 14 rebounds at seven assists.