-- Advertisements --

Muling nagsama-sama ang Korean boy group na BTS para ipadala ang miyembro nila na si J-Hope sa kaniyang military enlistment.

Sa social media account ng grupo, ay nagpost sila ng larawan habang inihatid nila si J-Hope sa military facility sa Gangwon Province.

Nagpost si J-Hope ng mensahe sa kaniyang mga fans at sinabing siya ay magbabalik ng malusog.

Unang nakapasok sa mandatory military training si Jin noong Disyembre 2022.

Inaasahan na susunod na magpapa-military enlistment ang ilang miyembro ng grupo.