-- Advertisements --

Nagtala ng record si BTS member Suga sa unang araw ng paglabas ng kaniyang album.

Nitong April 21 ng ilabas niya ang kaniyang “D-Day” album ay nakapagbenta ito agad ng 1,070,000 na kopya.

Nahigitan nito ang naitalang record ng kaniyang kasama sa grupo na si Jimin na “Face” na nakapagbenta ng 1,021,000 kopya sa unang araw.

Ang bagong solo album ni Suga ay naglalaman ng 10 kanta k ung saan lahat ng mga ito ay kaniyang isinulat at ginawa.