-- Advertisements --
Nagpositibo sa COVID-19 ang isa sa mga miyembro ng Korean group na BTS na si Suga.
Nalaman na lamang nito ang pagpositibo matapos ang pagbabalik mula sa isinagawang concert ng grupo sa US.
Kasalukuyan ng naka-isolate ang 28-anyos na si Min Yoon-gi at wala naman itong ipinakitang sintomas.
Nabakunahan na ng 2nd dose si Suga noon pang buwan ng Agosto.
Maging ang kaniyang mga kasamahan sa grupo ay hindi naman nagpakita ng sintomas.