-- Advertisements --
Nagpositibo sa COVID-19 si BTS member Jeon Jungkook.
Ayon sa agency ng grupo na BigHit Music, na habang nasa Las Vegas ito ay sumailalim siya sa rapid standard PCR test.
Nakaranas ito ng pananakit ng lalamunan pagkadating sa US.
Kasalukuyan na itong nasa quarantine at nagpapagaling.
Kasalukuyang nasa US si Jungkook para maghanda kasama ang grupo sa paglabas nila sa Grammy Awards na gaganapin sa Abril at magsasagawa sila ng mga iba’t-ibang konsiyerto sa Las Vegas.