-- Advertisements --

Nakiusap ang talent agency na may hawak ng Korean group na BTS sa kanilang fans na tigilan ang pagpapadala ng mga regalo at sulat sa miyembro nito na si Jin.

Ito ay dahil sa kasalukuyan siyang nasa mandatory military service.

Dagdag pa nila na mahalaga ito para magampanan ni Jin ang kaniyang mandatory service.

Kasalukuyan kasi sumasailalim ng military training si Jin kasama ang mga regular personnel sa training center at kapag natapos na ay itatalaga siya sa military base.