-- Advertisements --
Sinabihan na ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang mga banko, e-wallets at ilang mga BSP-Supervised Financial Institution na tiyakin na ang kanilang customer services ay mananatili ngayong Semana Santa.
Ayon sa BSP na kahit na walang pasok ang mga empleyado ng banko simula sa Huwebes Santo ay mararapat na tiyakin ng mga ito na hindi mapuputol din ang serbisyo nila gaya sa Automated Teller Machine at sa mga online o mobile applications.
Ang hakbang aniya ay para sa isinusulong na financial consumer welfare.
Pagtitiyak ng BSP na may mga nakabantay na mga guwardiya sa bawat banko.