Pinag-iingat ng Banko Sentral ng Pilipinas ang publiko laban sa mga website na umano’y gumagamit ng mga patibong para makapanloko.
Ayon sa BSP, may mga website na nagpapanggap bilang mga ahente o empleyado ng mga financial institution, katulad ng mga banko at nanghihingi ng mga personal impormasyon.
Babala ng BSP sa publiko, huwag i-click ang mga natatanggap na link sa pamamagitan ng email, at text message.
Huwa ding magbigay ng anumang personal na impormasyon, dahil sa hindi umano ito gagawin ng mga opisyal ng banko o nang iba pang financial institution sa bansa.
Sakali namang ma-kompromiso ang mga personal information, pinayuhan ng Banko Sentral ang publiko na kaagad sumangguni sa kanilang mga banko, o ireport sa PNP o NBI.
Maaari din umanong direkta itong ireport sa official website ng Banko Sentral ng Pilipinas na www.bsp.gov.ph.