-- Advertisements --

Muling binigyan diin ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na sapat na bilang proof of identity sa pagbubukas ng bank accounts ang bagong Philippine Identification System (PhilSys) ID or the national ID.

Sa isang statement, hinimok din ng central bank ang mga BSP Supervised Financial Institutions (BSFIs) na tanggapin ang PhilID ito man ay sa physical o mobile formats dahil ito ay “sufficient proof of idendity” na at hindi na kailangan pang magpakita ng isa pang ID.

Ayon BSP, magbibigay ang PhilSys system ng online at offline methods para sa identity authentication sa pamamagitan ng PhilID physical security features, QR code digital verification, biometric verification at SMS one-time password (OTP).

Gamit ang PhilID, iginiit ng BSP na mas secure ito kung ikukumpara sa manual matching ng sulat-kamay na lagda.

Ang panawagan na ito ng BSP ay alinsunod na rin sa Memorandum No. M-2021-057 ng Philippine Statistics Authority na nagpapaalala sa lahat ng mga government at private firms na tanggapin ang National ID cards bilang sapat na katibayan nang pagpapakilanlan salig na rin sa PhilSys Act.