-- Advertisements --

Nagbabala ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa paglaganap ng mga auto loans scams.

Ayon sa BSP na tinatawag ang nasabing modus bilang “assume balance” o “pasalo” scheme.

Sa nasabing modus ay bibilhin umano ng miyembro ng sindikato ay makikipagsundo sa seller ang mga ito na sila na ang magtutuloy ng bayad sa kanilang auto loan.

Subalit dito ay hindi pala nila babayaran at ibebenta sa ibang biktima sa pamamagitan pagpeke ng mga papeles.

Dahil sa dumaraming kaso ay hinikayat ng BSP ang mga banko na magsagawa ng masusing beripikasyon ang mga ito sa kanilang mga customers.