-- Advertisements --

Inilunsad na ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang programang Credit Risk Database (CRD).

Ang nasabing programa ay naglalayon an mabigyan ang mga small and medium enterprises na makapag-utang.

Katuwang ng BSP ang Japanese International Cooperation Agency (JICA).

Sinabi ni BSP Governor Benjamin Diokno na binibigyan nilang halaga ang mga SME ng mabilisagng statistical credit scoring para sila ay makautang.

Isinagawa ang virtual launching na dinaluhan ng representative ng JICA, Chamber of Thrift Banks, Bankers Association of the Philippines , Rural Bankers Association of the Philippines ganun din ang 17 pioneer participating banks.

Ilan sa kasamang bangko ay LandBank of the Philippines, Development Bank of The Philippines. Queen City Development Bank at maraming iba pa.