Reading Time: 1 minute

Hindi dumalo sina Bangko Sentral ng Pilipinas Gov. Benjamin Diokno at Finance Sec. Carlos Dominguez III sa unang budget briefing ng House Committee on Appropriations para sa P4.1 trillion proposed national budget.

Sinabi ni BSP Deputy Governor Francisco Dakila Jr., na nasa Canberra, Australia si Diokno dahil sa dinadaluhan nitong Asia Pacific Group Annual Meeting on Anti-Money Laundering.

Nasa China naman si Dominguez ayon kay Finance Undersecretary Gil Beltran, para mangalap ng pondo sa mga programa at proyekto ng pamahalaan.

Sa pagtatanong ni Albay Rep. Edcel Lagman, natukoy na walang natanggap na liham ang secretariat sa hindi pagpunta nina Diokno at Dominguez.