-- Advertisements --
ofw 2018 12 12 22 37 45

Mariing kinondena ni OFW Party-list Rep. Marissa “Del Mar” Magsino ang brutal na pagpatay sa Pinay domestic worker na si Mary Grace Santos sa Jordan.

Sa isang statement, sinabi ng mambabatas na ang karumal-dumal na krimen ay muling nagpapamulat sa kapahamakang kinakaharap ng mga OFW sa ibang bansa at pangangailangang mabigyan ng ngipin ang mga polisiyang nagpoprotekta sa ating mga kababayang OFW.

Nagpaabot din ng pakikiramay si Magsino sa pamilya ng nasawing Pinay worker.

Nauunawaan din aniya nitong hindi mapapawi sa simpleng pakikiramay ang dinanas ng Pinay mula sa menor de edad na suspek kayat dapat aniyang gumawa ang pamahalaan ng konkreto, komprehensibo at pangmatagalang solusyon para sa naturang suliranin.

Dapat din aniyang ipakita ng pamahalaan ang buong pwersa nito sa pagtiyak na makakamit ang hustisiya sa pagpatay sa Pinay worker.