-- Advertisements --

Matagumpay na nakapag-deploy ng mga bagong tropa ang Western Command ng Armed Forces of the Philippines sa Ayungin Shoal sa West Philippine Sea.

Ito ay sa kabila ng shadowing at radio challenge na pambu-bully ng isang barko ng Chinese Coast Guard doon.

Layunin nito na maghatid ng mga bagong supply sa Ayungin detachment gamit ang indigenous boats na Unaizah Mae 2 at 3 mula Hunyo 20-22, 2022

Dahil dito ay nakapagtalaga na rin ang bagong batch sa BRP Sierra Madre na magpapanatili naman ng Philippine presence sa nasabing lugar.

Samantala, sa isang statement ay ipinahayag naman ng command na may namataan pa rin silang mga Chinese vessels sa Kalayaan Island Group ngunit tiniyak ng WESCOM na nananatiling matatag ang kanilang joint forces para sa pagganap ng mga mandato sa buong WPS batay sa itinatag na rules of engagements ng may paninindigan at non-provocative posture para sa pagpapanatili ng kapayapaan, at katatagan upang protektahan ang ating nasasakupan.

Magugunita na noong Disyembre 2021 ay iginiit ng China na paalisin ang BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal habang kamakailan lang ay naghain naman ng isa pang diplomatic protest ang Department of Foreign Affairs (DFA) laban sa nasabing bansa ng dahil naman sa ilang insidenteng kinasangkutan nito sa naturang lugar.