-- Advertisements --

Mas lalo umanong lumala ang nararanasang brownout sa Iloilo City matapos iligal na i-take over ng More Electric and Power Company (More Power) ang operasyon ng limang substations ng Panay Electric Company (PECO).

Sa inilabas na advisory ng More Power sa kanilang Facebook page, nakasaad dito na umabot sa dalawang oras para matapos ang restoration ng mga hindi naka-schedule na power interruptions sa mga area sa Brgy. Santo Niño, Brgy. Santo Niño Norte, Calaparan sa Arevalo district at Calumpang sa Molo district.

Ayon sa More Power ang power interruption ay nasa “momentary line fault” pero ayon naman sa mga eksperto ang resumption ng power ay dapat isinagawa nang mas maaga.

Dahil dito, sa pamamagitan ng social media at agad nag-post ang mga apektadong consumers dahil sa mabagal na serbisyo ng More.

“Ano ba MORE? Bago pa lang kamo, duha ka na oras brownout di,” ani Rolando Dabao.

“Expect brownouts pa MORE,” Sabi naman ni Victor Bernardo.

Inireklamo rin ng ilang consumers ang hindi pagsagot ng More sa kanilang mga queries at sa aksiyon ng mga ito sa kanilang reklamo.

“wala na si MORE ga reply sa Facebook,” ani Pol Ibarreta.

Dahil sa mga naturang power outages, sinabi ng I-Konsumidor, isang grupo ng power consumers sa Iloilo City na ang mga consumers ngayon ang naiipit dahil pa rin sa hidwaan ng dalawang electric company.

“We must take note that MORE Power’s franchise in Republic Act 11212 provides that PECO must first settle its obligations to the consumers before wrapping up its operations,” the group said. “We cannot rely on MORE because it is not bound to settle such obligations to us when it eventually takes over the distribution services,” ayon sa grupo.

Kinuwestiyon din ng grupo ang mabilis na paggawad ng Provisional Authority ng Energy Regulatory Commission (ERC) sa More na posibleng maging basehan daw ng More sa paniningil sa mga consumers.

“MORE is running the facilities, but PECO is the one who has contracts with power generators. These contracts cannot be assigned to MORE. If MORE will start billing us after two months, what will be the basis of their rates? We don’t know because there was no application nor did we attend or even learn of any public hearing on their application for provisional authority to enter into a Power Supply Agreement,” dagdag ng grupo.

Bago pa man mabigyan ng prangkisa ang More sa pamamagitan ng Republic Act 11212, ang PECO na ang sole power provider sa Iloilo City sa loob ng 95 taon.

Pumasok lamang ang More sa energy industry dalawang taon na ang nakakaraan at sa mga panahon na iyon ay isa umano itong small-scale mining company na may pangalang More Mineral Corporation.

Una rito, nagdeklara si Judge Emerald Contreras mula sa Iloilo Regional Trial Court (RTC) Branch 23 ng addendum na nagsasaad na ang operasyon ng power industry as Iloilo at ang PECO.

Noong Marso 6, kasunod ng umano’y iligal na pag-takeover ng More ay iniutos no Judge Contreras na ibalik ang operasyon sa PECO.

IMG20200309121108

“The Regional Trial Court of Mandaluyong has already said that what MORE is trying to do is unconstitutional, but they keep trying to use misrepresentations and blatant lies to force their way in. They even claim that they can do what we do when they clearly cannot, and this is considering that they unsuccessfully tried to pirate our technical experts,” ani Marcelo Cacho, head ng Public Engagement and Government Affairs ng PECO.