Pinahiya ng Chicago Bulls ang Brooklyn Nets sa score na sa 108-99 para sa kanilang ikaapat na panalo ngayong bagong NBA season.
Nakapagtala ng 29 points, four rebounds at five assist ang star player ng Bulls na si Zach Lavine.
Ang 20 sa 29 puntos ni Lavine ay ginawa niya sa fourth quarter lamang para tulungan ang team sa 4-4 record.
Nag-ambag din naman si DeMar DeRozan ng 20 points at si Ayo Dosunmu ay nagpakita ng 17 para ilampaso ng Bulls ang Nets sa fourth quarter gamit ang 31-19.
Habang nasayang naman ang diskarteng 32 points ni NBA superstar Kevin Durant dahil nabokya na naman ang kanilang koponan na nasa anim na ang talo.
Inalat naman si Kyrie Irving na meron lamang four points sa 2-for-12 shooting.
Bigo ring makapagpasok sa anim na beses na pagtatangka sa 3-point area. (with reports from Bombo Allaiza Eclarinal)