-- Advertisements --

Na-diagnosed si Bronny James ang anak ni NBA star LeBron James ng congenital heart defect.

Ayon sa kaanak nito na kailangan niyang magpagaling mula sa kaniyang cardiac arrest noong nakaraang buwan.

Magugunitang noong Hulyo ay na-cardiac arrest si Bronny habang ito ay nasa ensayo ng basketball sa University of Southern California.

Dagdag pa nila na base sa kaniyang doctor na kayang gamutin ang nasabing sakit nito.

Hiniling ng pamilya nito na pagdarasal at privacy kung saan magbibigay sila sa mga susunod na araw ng mga update.