-- Advertisements --

Magbabalik pa rin para maglaro sa WNBA ngayong season si Brittney Griner matapos ang pagkalaya nito mula sa pagkakakulong sa Russia.

Sinabi nito na kinuha pa rin siya ng kaniyang dating koponan niyang Phoenix Mercury.

Pinasalamatan nito ang kaniyang mga koponan at management dahil sa pagtanggap sa kaniya.

Magugunitang naaresto noong Pebrero si Griner habang ito ay nasa Russia ng mahulian ito ng ipinagbabawal na substance sa kaniyang vape cartridge.

Naglalaro kasi si Griner sa Russian Basketball League kapag off-season ng WNBA.

Napalaya lamang si Griner nitong buwan dahil sa prisoners swap.