-- Advertisements --
Itinuturing ng singer na si Britney Spears na isang nakakatakot na karanasan ng maubusan ng gas ang kanilang sasakyan.
Naganap pa ito aniya sa kalagitnaan ng isa sa pinakaabalang highway ng Los Angeles.
Nirespondihan ng mga kapulisan ang itinawag sa kanila kung saan nakahambalang sa gitna ng kalsada ang puting Mercedes na sports car.
Binantayan ito ng mga kapulisan para na rin sa kaligtasan ng singer hanggang hinintay ang pagdating ng asawa nito na si Sam Asghari.