-- Advertisements --

Umatras na sa French Open qualifying si British tennis star Emma Raducanu.

Sinabi nito na nais niyang tutukan ang kaniyang kalusugan.

Dagdag pa ng 21-anyos na tennis star na mahalaga na maging maganda ang kondisyon niya sa bawat torneo.

Nakatakda ang main draw ng French Open sa Mayo 26 kung saan nanantili pa rin siyang pangatlong alternatives.

Huling naglaro si Raducanu ay noong talunin siya ni Maria Lourdes Carle sa first round ng Madrid Open noong Abril 24.