-- Advertisements --
Muli na namang nagpakitang gilas ang 21-anyos na free climber na si George King matapos na akyatin ang pinakamataas na skyscrapers sa Europe.
Pinanood ng mga tao ang pag-akyat ni King hanggang marating ang 116-meter na Mella Barcelona Sky Hotel sa loob ng 20 minuto.
Pagkababa naman nito ay agad siyang inaresto ng mga otoridad at ito ay pinagbayad ng multa.
Sinabi nito na nakamit na naman ito ng kakaibang parte sa kaniyang buhay.
Unang inakyat nito ang 310-meter na The Shard building sa London noong 2019 ang pinakamataas na tower sa United Kingdom na walang anumang suot na safety apparatus.
Mula sa Oxford sa England si King at ito ay bumabiyahe sa Europe gamit ang kaniyang van.