-- Advertisements --

Magpapatuloy pa rin sa paggawa ng mga kanta ang British pop superstar Elton John.

Nagdiwang ito ng kaniyang ika-75 na kaarawan nitong Marso 25.

Dagdag pa nito na kahit titigil na ito sa pagsasagawa ng mga concerts ay patuloy pa rin ang kaniyang paggawa ng kanta.

Dekada 70 ng magsimula itong sumikat.

Ilan sa mga pinasikat nitong kanta ay ang “Crocodile Rock”, “Candle in the Wind”, “Rocketman” at maraming iba pa.

Kasabay ng kaniyang kaarawan ay maglalabas ito ng digitally remastered version ng album nitong “Diamonds: The Ultimate Greatest Hits”.