-- Advertisements --
Patuloy ang pagpapagaling ng British rocker na si Ozzy Osbourne matapos na sumailalim sa operasyon.
Ayon sa asawang si Sharon, na patuloy na nagpapagaling ang asawa na dating frontman ng bandang Black Sabbath.
Hindi naman na nagbigay pa ng ibang detalye ng kaniyang operasyon.
Pinasalamatan nito ang mga fans at kasamahan sa industriya na nagpaabot ng pagdarasal para sa agaran nitong paggaling.
Nauna ng ibinunyag ng 73-anyos na singer na patuloy pa rin nitong iniinda ang mga sugat na kaniyang natamo mula sa motorcycle accident noong 2003.