Bumubuti na ang kalagayan ni British Prime Minister Boris Johnson matapos nitong mamalagi ng dalawang gabi sa intensive care unit (ICU) dahil sa COVID-19.
Kinumpirma ni Chancellor Rishi Sunak na nakakaupo na sa kaniyang hospital bed si Johnson at magiliw narin itong nakikipag-usap sa clinical team ng St. Thomas Hospital sa London.
Dinala sa St. Thomas Hospital si Johnson noong Linggo ng gabi dahil sa hindi pagbaba ng kaniyang lagnat at hindi nawawalang ubo ngunit inilipat ito sa ICU noong Lunes matapos lumalala ang kaniyang kondisyon.
Kaagad itong binigyan ng oxygen support pero hindi siya inilagay sa ventilator. Inatasan naman ni Johnson si Foreign Secretary Dominic Raab na pansamantalang ipagpatuloy ang kaniyang mga naiwang tungkulin hanggang sa bumuti ang kalagayan nito.
“He is comfortable, he’s stable, he’s in good spirits,” saad ni Edwar Argar, junior health minister.
Samantala, patuloy naman ang debate ng mga ministers kung hanggang kailangan kakayanin ng Britanya ang lockdown sa buong bansa.