-- Advertisements --

Hinikayat ni British Prime Minister Rishi Sunak si Saudi Arabia’s Crown Prince Mohammed bin Salman na gamitin ang kaniyang impluwensiya para maisulong ang usaping pangkapayapaan sa Israel.

Ito ang isa sa mga tinalakay ni Sunak at ang Saudi Crown Prince sa pagtungo ng British Prime Minister sa Saudi Arabia.

Tiniyak nila na sila ay magtutulungan para maiwasang lumawak pa ang nasabing kaguluhan sa pagitan ng Hamas militants at Israel.

Patuloy din ang kanilang pagsulong ang mahalagang pagbibigay ng humanitarian access sa Gaza para makadaan ang mga supply ng tubig, pagkain at gamot.