Bumalik sa Pilipinas ang isang British Navy vessel na nakatuon para tiyakin ang seguridad sa territorial waters, para magsagawa ng defense engagement kasama ang tropang Pilipino.
Dumating ang His Majesty Ship (HMS) Spey sa Port of Manila kahapon, para sa ilang serye ng mga aktibidad na isasagawa ngayong linggo para ipakita ang commitment ng United Kingdom para sa pagpapalakas pa ng maritime security sa rehiyon ayon sa British embassy.
Sinalubong naman ng Philippine Navy ang pagdating ng British Navy vessel sa Maynila.
Ang naturang vessel ay kabilang sa River-class offshore patrol vessels ng Royal Navy na dumidepensa sa interes ng UK sa kanilang bansa at sa ibayong dagat.
Una rito, noong Oktubre 2023, idineploy ang His Majesty Ship (HMS) Spey ng UK sa Indo-Pacific gayundin sa Pilipinas para makilahok sa joint maritime defense exercises sa pinagtatalunang karagatan kasama ang mga tropang sundalo ng Pilipinas, US, Canada, Australia at Japan. (With reports from Bombo Everly Rico)