-- Advertisements --
Hinamon ni British filmmaker James Jones si Pangulong Rodrigo Duterte na panoorin ang kaniyang documentary film na “On the President’s Orders”.
Ito ay kasunod ng pagbatikos ng Palasyo sa nasabing pelikula ng hindi man lang pinapanood ang nasabing pelikula.
Ang nasabing pelikula ay gawa ni Jones at French director Olivier Sarbil na kapwa Emmy Awards-winning film makers.
Hango ang pelikula sa anti-drug war ng Duterte administration.
Magugunitang binatikos ni presidential spokesman Salvador Panelo, ang nasabing pelikula dahil sa ipinapalabas na masamang imahe ng bansa.