-- Advertisements --
Bahagyang naantala ang isinasagawang briefing ni US President Donald Trump matapos na isang lalaki na may hawak na baril ang nakita sa labas ng White House.
Inilabas ng mga Secret Service agent ang US President mula sa briefing nito para itago dahil sa nangyaring insidente pero ito ay bumalik din makalipas ng ilang minuto.
Pinasalamatan naman ng US President ang mabilis na pagresponde ng kaniyang Secret Service na nagresulta sa pagkakabaril sa isang lalaki.
Kinordon ng mga kapulisan ang kapaligran ng White House habang inaalam pa rin ng mga otoridad ang pagkakakilanlan ng lalaking nabaril.