CENTRAL MINDANAO – Inaresto ng mga otoridad ang isang opisyal ng barangay na nag-iimbak ng mga loose firearms at pampasabog sa lalawigan ng Maguindanao.
Nakilala ang suspek na si Brgy Kuya Barangay Chairman Victor Duran Lumao.
Ayon kay Maguindanao police provincial director Colonel Arnold Santiago na naglunsad ng Oplan Paglalansag Omega ang mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG-BARMM) sa bahay ni Kapitan Lumao sa Sitio Guilaguila, Brgy Kuya sa bayan ng South Upi.
Ang operasyon ay pinangunahan mismo ni CIDG-Maguindanao Provincial Field Unit commander Major Esmael Madin
Bitbit ng raiding team ang inilabas na search warrant na inisyu ni Judge Angelito Rasalan, Presiding Judge ng 12 Judicial Region at saka hinalughog ang tahanan ni Lumao.
Narekober ng mga pulis sa bahay ng suspek ang isang M16 armalite rifle, isang .9mm pistol, isang kalibre .45 na pistola, mga magazine ng mga armas, mga bala at isang granada.
Inaresto rin ng CIDG-BARMM ang dalawang tauhan ni Lumao na sina Roger Manuel Angcol at Paul Lala Galang.
Sa ngayon nakapiit na sa costudial facility ng CIDG-BARMM sa Cotabato City ang suspek at nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso.