-- Advertisements --

LA UNION – Inihahanda na ng pulisya ang kasong pagpatay laban sa isang punong barangay na umano’y nanaksak sa kasugalan sa Barangay Sucoc Norte sa bayan ng Luna, La Union.

Nakilala ang suspek na si Ronnie Reyes, 51-anyos.

Base sa imbestigasyon ng Luna Police Station, habang naglalaro umano ng baraha ang suspek at ang biktima na si Jojo Asuncion, 30, kasama ang iba pang nasa lamay, magkaroon ng pagtatalo sa pagitan ng dalawa.

Dahil dito ay sinaksak daw ng suspek sa pamamagitan ng kutsilyo ang biktima.

Namatay si Asuncion habang ginagamot sa ospital, at naaresto naman agad ng mga otoridad ang barangay chairman.

Nananatili ito sa detention facility ng Luna Police, habang hinihitay ang pasya ng hukuman sa kaso nito.