-- Advertisements --

ROXAS CITY – Patay ang isang barangay kagawad matapos maaksidente ang motorsiklo sa Brgy. Balighot, Maayon, Capiz.

Nagtamo ng malubhang sugat sa ulo ang biktima na si Kagawad Rafael Dacibar ng nasabing barangay.

Lumalabas sa imbestigasyon ng Maayon Municipal Police Station na pauwi na ang biktima galing sa inuman ng aksidenteng matumba ang minamanehong motorsiklo sabay ang pagtama ng ulo sa matigas na bagay.

Nakahingi pa ng tulong si Dacibar sa mga residente at nakapagresponde pa ang mga pulis.

Dinala pa ang biktima sa ospital ngunit idineklara itong dead on arrival ng doktor.