MANILA – Pumanaw na ang chairman ng Metro Manila Development Authority (MMDA) na si Danilo Lim sa edad na 65.
Ito ang kinumpirma ng Malacañang nitong araw, kasabay ng pag-aabot ng pakikiramay sa pamilya ng yumaong opisyal.
“MMDA Chair Lim served the Duterte administration with professionalism, competence, and integrity. He would be dearly missed,” ani Presidential spokesperson Harry Roque.
Wala pang detalye sa kung anong dahilan ng pagkamatay ni Lim. Pero magugunita na nag-positibo ito sa coronavirus disease (COVID-19) noong Disyembre.
Batay sa report, mild lang ang naging impeksyon ng MMDA chairman sa sakit.
Ayon kay MMDA spokesperson Celine Pialago, maglalabas ng opisyal na anunsyo ang pamilya ni Lim kasunod ng pagpanaw ng opisyal.
Bago naging pinuno ng ahensya, nanilbihan si Lim bilang deputy commissioner ng Bureau of Customs sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Noynoy Aquino. Pero nagbitiw ito sa pwesto noong 2013 dahil sa paratang na korupsyon.
Kabilang si Lim sa grupo ng mga sundalo na nagtangkang pabagsakin ang pamahalaan ni former Pres. Cory Aquino noong 1989.
Kasali rin siya hukbo ng Magdalo na nanguna sa 2007 Manila Peninsula seige, na target patalsikin noon si dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.
Nagtapos sa United States Military Academy (West Point) si Lim, na isa ring retiradong Brigadier General.