-- Advertisements --
Pinayuhan ng mag-asawang Richard Gomez at Rep. Lucy Torres-Gomez ang publiko na magkaroon pa rin ng break, kahit nasa bahay lang araw-araw, lalo na ang mga naka-work from home.
Ayon sa mambabatas sa panayam ng Bombo Radyo, iniisip ng maraming nasa bahay na dahil wala namang pasok sa kanilang opisina ay hindi na kailangan pang magkaroon ng pahinga mula sa mga gawain.
Pero mga eksperto na mismo ang nagsabing mahalaga ang break mula sa sunod-sunod nba gawain, para mas maging produktibo at maingatan ang mental health condition.
Sa kanilang personal na karanasan naman, ibinahagi nito na nagtatahi siya, habang si Mayor Richard naman ay nagluluto para maiba ang routinary activities.