Tinambakan ng Boston Celtics ang Philadelphia 76ers ng 32 big points sa unang pagharap ng dalawa sa 2026 NBA Playoffs, 123 – 91.
Nanguna sa panalo ng Boston ang all-around forward na si Jayson Tatum na kumamada ng 25 points mula sa siyam na naipasok na field goals at anim na free throws. Kumamada rin siya ng 11 rebounds, pitong assists, at dalawang steal.
Naging malaking tulong din sa Boston ang 26 points at apat na rebounds ni 2024 NBA Finals MVP Jaylen Brown. Sa naturang performance, nabigyan si Brown ng +23 overall performance.
Sa pagtatapos pa lamang ng unang quarter, hawak na ng Boston ang 15-point lead na lalo lamang lumaki sa mga sumunod na quarter, hanggang sa ibulsa nito ang 123-91 win.
Dahil sa mahigpit na depensa ng Celtics, nagawa niyang limitahan ang 76ers sa apat na 3-pointers.
Nalimitahan din ang Sixers sa nakakadismayang .87 points per possession habang umabot sa 1.18 points ang nagagawa ng Boston sa bawat hawak nito sa bola.
Umabot pa sa 35 points ang kalamangan ng Boston habang ni minsan ay hindi nakahabol ang Philadelphia.
Dahil sa panalo, tatlo na lamang ang kailangan ng Celtics upang umusad sa susunod na yugto ng elimination.
















