-- Advertisements --
image 380

Abanse na sa pangalawang round ng Playoffs ang Boston Celtics matapos talunin kanina ang Atlanta Hawks sa score na 128 – 120.

Ito ay matapos ang anim na larong tapatan ng dalawang team.

Nagtulong ang power dou ng Celtics na sina Jayson Tatum at Jaylen Brown para kumamada ng kabuuang 62 points, para tuluyang itaboy ang Hawks.

Si Tatum rin ang nagsilbing best defender ng Celtics matapos siyang kumulekta ng 14 rebounds.

Nasayang naman ang 30 points, 10 assists double-double performance ni Hawks Guard Trae Young, kasama ang 20points ni De’Andre Hunter.

Sa unang tatlong kwarter, lumamang ang Atlanta ngunit pagsapit ng 4th Quarter, nagbuhos ang Boston ng 30 big points habang 20 points lamang ang nakayang ipasok ng Hawks.

Dahil sa panalo, pasok na sa 2nd Playoffs elimination ang Boston at makakaharap ang Philadelphia 76ers.