-- Advertisements --

KALIBO, Aklan — Umabot sa 32.2 bilyong piso ang kinita ng isla ng Boracay sa kanilang tourism receipts noong 2022.

Ayon sa Department of Tourism (DoT)-Region 6, ang naturang tourism receipts ay mula sa 1.75 milyon na mga lokal at dayuhang bisita na nagbakasyon sa isla noong nakaraang taon.

Ang pinakamataas na bilang ng mga turista ay naitala sa buwan ng Mayo na may mahigit 201,000 na bisita, kung saan kumita ito ng pinakamataas na P3.68 billion.

Tumaas ang tourism receipts dahil sa muling pagbalik ng international flights sa Kalibo International Airport lalo na ang direct flights mula sa South Korea at pagluwag ng ipinatutupad na travel restrictions.

Mahigit sa 50,000 na mga turistang Koreano ang bumisita sa Boracay noong nakaraang taon.