-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Nagsilbing tulay ang Bombo Radyo Koronadal upang makapag-usap ni Motmot Demerin Dioso ang kaniyang pamilya habang naka-isolate ito sa bansang Kuwait.

Matatandaang una nang nadapuan ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) si Dioso at marami ang dumamay sa kaniya at bumuhos ang mga well-wishers na mga netizen na kaagad siyang gumaling.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Koronadal kay Motmot, malaki ang kaniyang pasasalamat na naging tulay ang himpilan upang maka-contact ito sa kaniyang pamilya.

Patuloy rin ang pagbuti ng kaniyang karamdaman dahil sa medikasyon na ginagawa nito at ang suporta mula sa kaniyang mga kababayan.

Ayon sa kaniya, nakahanda rin ang kaniyang ahensiya na pauwiin siya dito sa Pilipinas kapag bumuti na ang kaniyang kalagayan.

Maliban nito, mistulang reunion ang nangyari kay Motmot sa kaniyang bunsong kapatid na si Shiela at inang si Sonia.

Nagkumustahan ang mga ito at emosyonal na nagpalakas ng loob kay Motmot.

Nagpasalamat rin ang naturang OFW sa lahat na mga netizens at mga kaanak nito na nagbigay sa kaniya ng inspirasyon upang patuloy na makipaglaban sa kaniyang nararamdaman.

Inaasahan naman na mamayang hapon oras sa Pakistan kukunan ng swab test si Dioso upang malamang kung positibo o negatibo ito sa covid.