-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Nagdulot ng takot sa mga sibilyan ang bombang sumabog sa probinsya ng Cotabato.

Ayon kay Cotabato Police Provincial Director Colonel Henry Ramos na sumabog ang bomba sa Sitio Pogpog Barangay Poblacion Pikit Cotabato.

Walang nasugatan na mga residente dahil sumabog ang pinaniniwalaang Improvised Explosive Device (IED) sa bakanteng lote at malayo sa kabahayan.

Agad namang tumakas ang mga suspek lulan ng motorsiklo nang magresponde ang mga pulis at sundalo.

Malaki naman ang paniniwala ni Pikit Chief of Police Lieutenant Colonel John Miridel Calinga na pananakot ang motibo sa pagpapasabog na patuloy nilang iniimbestigahan.