-- Advertisements --

Umarangkada sa last quarter ang Meralco Bolts para tuluyang talunin ang Phoenix Super LPG 92-86 sa nagpapatuloy na PBA Governor’s Cup sa Philsport Arena.

Ang panalo ay siyang pangalawang sunod ng Bolts at ang pang-pitong panlao sa 11 laro.

Nangangahulugan nito na pasok na sila sa twice-to-beat para sa playoffs.

Mayroon ng pitong panalo at apat na talo ang Bolts sa sumusunod sa NLEX na mayroong pitong panalo at tatlong talo.