-- Advertisements --
Nakaisa na ang Meralco Bolts laban sa Barangay Ginebra 93-82 sa best of three quarterfinals ng 2022 PBA Philippine Cup.
Bumida sa panalo ng Bolts si Aaron Black na nagtala ng 25 points, tatlong rebounds at apat na assists.
Nagdagdag naman ng 19 points, siyam na rebounds at anim na assists si Chris Newsome habang mayroong 17 points at limang rebounds si Allein Maliksi.
Mas lumawak pa ang lamang ng Bolts sa pagpasok ng second half 60-44.