-- Advertisements --

Nalusutan ng Meralco Bolts ang Magnolia 105-102 sa overtime game para makapasok na sila sa semifinals ng PBA 50th Season Commissioner’s Cup.

Naipasok ni Bong Quinto ang fadeaway shot nito sa natitirang 37.9 seconds para makuha ang 102-100 na kalamangan para sa Meralco matapos na maipasok ni Jerom Lastimosa ang dalawang free throws nito para sa Magnolia.

Huling nagpahaba ng kalamangan ang dalawang free throw ni CJ Cansino sa natitirang 21.1 segundo sa laro na ginanap sa Antipolo.

Pinasalamatan naman ni Meralco coach Luigi Trillo ang Magnolia dahil sa matinding laban din na ipinamalas ng mga ito.

Susunod na makakaharap ng Bolts ang sinumang manalo sa pagitan ng TNT at NLEX.