-- Advertisements --

Nakabuwena mano ng panalo ang Meralco Bolts sa pagbubukas ng 2022-23 PBA Governor’s Cup matapos talunin ang Rain or Shine 105-97.

Bumida sa panalo ng Bolts si KJ McDaniels na nagtala ng 27 points at 23 rebounds.

Kasabay din nito ay pinahiya ng Bolts ang muling paglalaro ni James Yap sa Painters mula na manalo ito bilang konsehal ng San Juan City.

Naitabla pa ni Yap ang laro sa 54 sa pagtatapos ng first half subalit pagpasok ng third quarter ay hindi nagpabaya ang Bolts.

Ikinatuwa naman ni Bolts coach Norman Black ang naging performance ng kaniyang manlallaro kung saan ang naging sekreto aniya nila ay ang matinding depensa at rebounding.

Nagtapos lamang sa 21 points aang guard ng Painters na si Gian Mamuyac habang mayroong 14 points si Michael Qualls at 14 points naman si Yap.