-- Advertisements --
Naitala ng Meralco Bolts ang dalawang sunod na panalo sa 48 season ng PBA Philippine Cup.
Ito ay matapos na talunin nila ang Terrafirma 86-83 sa laro na ginanap sa Araneta Coliseum.
Ikinatuwa naman ni Bolts coach Luigi Trillo ang ipinamalas na laro ni Bong Quinto na siyang napili bilang Best Player of the Game.
Nagtala ng 18 points, pitong rebounds at apat na assists si Quinto habang mayroong 15 points si Norberto Torres at 14 points naman si Raymond Almazan.