Naitabla na ng Meralco Bolts sa 2-2 ang best of seven semifinals nila ng San Miguel Beermen.
Pinataob kasi ng Bolts ang Beermen 111-97 sa kanilang paghaharap sa Game 4 sa laro na ginanap sa Araneta Coliseum.
Bumida sa panalo ng Bolts si Aaron Black na nagtala ng 21 points, pitong rebounds at anim na assists.
Ibang manlalaro rin ang nagtala ng double digits gaya nina Raymond Almazan na mayroong 17 points, Cliff Hodge na mayroong 18 points at Allein Maliksi na mayroong 19 points.
Hawak pa ng Beermen ang kalamangan sa first half hanggang tuluyang mahabol ito ng Bolts pagpasok ng third quarter.
Sinabi ni Bolts coach Norman Black na ginawa nila ang lahat na makakaya para maipanalo ang laro at maitabla ang serye.
Nasayang naman ang nagawang 23 points ni CJ Perez at 23 points ni Marcio Lassiter para sa Beermen.