Nais maliwanagan ni Bohol Governor Aris Aumentado patungkol sa tunay na dahilan kung paano nakalusot na naipatayo at napahintulutang mag operate ang ‘Captain’s Peak Resort’ sa gitna ng Chocolate Hills sa Bohol.
Ito ang dahilan kung bakit ipinatawag niya ang mga opisiyal ng Sagbayan sa Bohol upang malaman ang kanilang panig.
Hiningan din na magpaliwanag sina Mayor Restituto Suarez III, ang town council, at mga local government’s department heads sa kung bakit binigyan ng permiso ang naturang resort gayong wala naman itong environmental compliance certificate (ECC) mula sa Department of Environment and Natural Resources (DENR).
Samantala, nais ding ipatawag ni Gov. Aumentado ang DENR officials at nais nilang malaman ang katotohanan sa likod ng kontrobersyal na isyu.
Sa ngayon, hindi na tumatanggap ng bisita ang Captain’s Peak resort dahil temporary closed na ito para raw umano sa maintenance at environmental preservation efforts ng nasabing vacation spot.