-- Advertisements --
Mayor Joni Villanueva
Mayor Joni Villanueva/ FB image

Pumanaw na si Bocaue, Bulacan Mayor Eleanor “Joni” Villanueva.

Kinumpirma mismo ito ng kaniyang kapatid na si Senator Joel Villanueva subalit hindi na binanggit pa ang kadahilanan ng kamatayan ng nasabing alkalde.

Nagpaabot ng pakikiramay ang ilang mga kasamahan sa pulitika ni alkalde sa pamumuno ni PDP Laban Executive Director Ron Munsayac na siyang kanilang kapartido.

Ang alkalde ay maybahay ni CIBAC Party-list Rep. Sherwin Tugma.

Noong unang pagtakbo nito na alkalde sa taong 2016 ay nagwagi ito sa pamamagitan ng coin toss isang paraan para maresolba ng Commission on Election (COMELEC) ang pagtabla ng dalawang kandidato.

Pumukaw naman ang atensiyon ng karamihan sa alkalde nitong Abril ng bumili ito ng ilang toneladang gulay sa Mt. Provinces para ipamigay ito sa kaniyang mga kababayan na naapektuhan ng coronavirus pandemic.

Magugunitang noong Marso ay pumanaw rin ang ina ng alkalde na si Dory Villanueva sa edad 73.