-- Advertisements --
Pinagmalaki ng Bureau of Customs (BOC) na kanilang nalampasan ang target collection noong Agosto.
Ayon sa BOC na mayroong P78.9 billion na import duties at ibang mga buwis ang kanilang nakolekta noong nakaraang buwan.
Ito ay mas mataas ng 34.1 percent ng kanilang P58.8 bilyon na target sa buwan ng Agosto.
Ito na rin ang pang-walong sunod na buwan na nalampasan ng BOC ang kanilang monthly collections.
Nagmula ang nasabing mataas na koleksyon mula sa kanilang 17 collection districts sa ports of entry.
Noong Agosto din aniya ay nalampasan umano ng 17 ports ang kanilang inilaang target.
Nagbunsod ang mataas na koleksyon mula sa naging mahigpit na kautusan ni Customs Commissioner Yogi Filemon Ruiz.