-- Advertisements --

Umaapela ang beteranong ekonomista na si House Ways and Means Committee chairman Joey Sarte Salceda sa Bureau of Customs (BOC) na payagan ang Department of Agriculture (DA), pati na rin ang constituent offices nito tulad ng Bureau of Animal Industry (BAI), na magsagawa ng inspeksyon sa mga inaangkat na karne papasok ng Pilipinas.

Ayon kay Salceda, “urgent” ang apela niyang ito lalo pa at nakakabahalaga ang ang nararanasang “meat inflation” sa kasalukuyan.

Sinabi ni Salceda na mahalaga ang hakbang na ito upang sa gayon ay maiwasan ang pagkalat pa lalo ng African Swine Fever sa domestic swine population ng bansa.

Base sa report ng Philippine Statistics Authority noong Biyrenes, tumaas ang February inflation dahil sa pagsirit ng presyo ng karne ng baboy, na umabot ang inflation rate sa 20.7 percent mula sa 17.1 percent na naitala noong Enero 2021.

Ang meat inflation rate noong Pebrero ay 4.7 percent na mas mataas, at pinakamataas din sa nakalipas na 26 buwan, sa kasagsagan ng krisis sa presyo ng bigas.

Binigyan diin ng beteranong ekonomista na mayroong “significant food supply vulnerabilitites” sa ngayon at ang mga solusyon para rito ay hindi na monetary o regulatory.

Hindi na aniya iibra ang price ceiling at interest rate adjustments dahil ang problema talaga sa ngayon ay walang sapat na pagkain para sa lumalaking populasyon ng bansa.

Kaya kailangan na rin talaga aniya ng pamahalaan na i-modernize ang sektor ng agrikultura sa bansa/