-- Advertisements --

LAOAG CITY – Isasagawa ang blood sampling sa mga baboy sa bayan ng San Nicolas partikular sa mga surveillance area o ang 501 hanggang 1,000 meter radius mula sa lugar kung saan may kaso ng African Swine Fever (ASF).

Sinabi ni Mrs. Cecille Sambrano, ang municipal agriculturist sa nasabing bayan na ang nasabing hakbang ay paraan nila para madetermina kung mayroon pang ASF sa lugar.

Inihayag pa niya na ito ay para malaman kung puwede nang maideklarang pink zone ang mga lugar kung saan nakita ang kaso ng ASF at mga kalapit na area.

Dagdag pa ni Sambrano na kung negatibo ang resulta ng
blood sampling sa mga baboy at papayagan na nilang mag-alaga ng baboy ang nga hog raisers.

Nabatid na tatlo na lamang na barangay ang nasa green zone o ang mga walang kaso ng ASF sa bayan ng San Nicolas.